Alex Gonzaga pens heartfelt message for husband Mikee Morada

Pasasalamat, paghingi ng tawad, at pananalig sa Maykapal ang laman ng mensahe ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga, 37, sa kanyang asawa na si Mikee Morada, 37.

Ito’y matapos isapubliko ni Mikee ang pangatlong beses na miscarriage ng misis niyang si Alex.

Sa panayam ni Mikee sa nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga sa online talk show nito sa YouTube na Toni Talks, noong January 26, 2025, isiniwalat nitong nakunan si Alex sa ikatlong pagkakataon.

Kinabukasan, January 27, nag-upload si Alex ng kanyang vlog sa YouTube.

Laman ng nasabing vlog ang selebrasyon ng kanyang 37th birthday noong January 16, kasama ang kanyang pamilya at ilang piling kaibigan.

Ipinakita rin ni Alex ang pagdalaw niya sa Lipa City Hospital noong January 17 para mag-abot ng goods and donation sa mga bagong kapapanganak na ina.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bago matapos ang vlog ni Alex, naglabas siya ng saloobin sa pinagdaanan nila ni Mikee na sumubok muli sa kanilang pagmamahalan.

Alex Gonzaga pens heartfelt message to husband Mikee Morada

Photo/s: Screengrab Alex Gonzaga on YouTube

Noong January 9, isang linggo bago ang kaarawan ni Alex, ay isinugod siya sa hospital matapos makunan.

Kalakip nito ang video clip na nagpapakita kung paano nanatili sa kanyang tabi si Mikee sa mga araw na pinanghihinaan daw siya ng loob dahil sa pagkawala ng kanila sanang magiging unang anak.

Sa huli, isang mensahe ang ipinaabot ni Alex sa pinakamamahal na asawa.

Humingi ng tawad si Alex kay Mikee sa pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis, kalakip ang paalalang ibibigay ng Diyos sa takdang panahon ang kanilang matagal nang hiling magkaroon ng supling.

Ani Alex: “Dearest Mikee, I’m so sorry for our loss.

“The little miracle we had will always stay with us. Let’s keep believing.

“By God’s grace, we will have the family we have always prayed for.

“Love, Catherine.”

Alex Gonzaga pens heartfelt message to husband Mikee Morada

Photo/s: Screengrab Alex Gonzaga on YouTube

ALEX GONZAGA’S THIRD MISCARRIAGE

November 2020 nang magpakasal sina Alex at Mikee.

Simula noon ay dalawang beses na silang nakaranas ng miscarriage.

Hanggang sa mangyari ang ikatlong insidente kamakailan lamang.

Sa panayam ni Mikee kay Toni, sinabi niyang December 2024 nang malaman nitong muling nagdadalantao si Alex.

Kuwento ni Mikee sa Toni Talks, “Nung nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman.

“Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya. And the second week, okay pa yung ultrasound.”

Sa kasamaang-palad, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ni Alex.

“Hanggang dun sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nung doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit,” pagpapatuloy ni Mikee.

Ayon sa webmd.com, ang blighted ovum ay tumutukoy sa pag-develop ng fertilized egg sa uterus ngunit hindi natutuloy sa embryo.

Tinatawag din itong “anembryonic” o “no embryo” pregnancy at kadalasan ay nauuwi sa miscarriage.

Hindi pa raw agad sinukuan ng mag-asawa ang magiging first baby sana nila.

Nagpa-second opinion sila sa ibang OB doctor.

Sa consultation na ito ay nalaman nilang may mahinang heartbeat ang baby sa tiyan ni Alex.

Naluha raw si Mikee nang marinig niya ito.

“Naiyak ako nung narinig ko yung heartbeat,” sabi niya. “First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.”

Pero mahina lang daw ang heartbeat ng nasa kanyang sinapupunan.

Saad ni Mikee, “Nalaman namin na mababa yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, triny namin habulin, baka ma-save pa yung baby.”

Pero sa huli ay hindi pa rin naka-survive ang sanggol.

Sa sumunod na consulation ay doon na nila nalamang wala nang heartbeat ang sanggol kung kaya’t kailangang iraspa o sumailalim sa dilation and curettage (D&C) ni Alex.

Shopping cart