Alden Richards ang sweet kay Kathryn Bernardo, nanliligaw na.

Kahapon, March 26, 2024, ipinagdiwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan kasama ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Kasama rin sa mga bisita ang kanyang dating leading man na si Alden Richards.

Matapos ang masayang selebrasyon, kumalat ang balita na may mga dumadamoves umano si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Ibinahagi ito ni Lovely Abella sa kanyang social media platform kung saan marami ang na-intriga sa kanilang dalawa.

Kasama sa mga bisita ay sina Lovely Abella, Kakai Bautista at Maymay Entrata, ngunit hindi maitago ng netizens ang kilig sa napakalakas na chemistry nina Alden at Kathryn. Parang mini-reunion din ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ang naganap dahil karamihan sa mga bisita ay kasama sa nasabing pelikula.

May mga nag-iintriga rin na tila dumadamoves si Alden kay Kathryn ngayong hiwalay na ito sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Noong nagkatambal sila sa pelikula, marami na ang nagship sa kanilang dalawa at humiling pa ng part 2 ng kanilang pelikula. Ngunit hindi ito natuloy dahil sa relasyon nina Kathryn at Daniel.

Hindi pumapayag si Daniel na maipareha si Kathryn sa iba at pinagbabawalan pa niya ito sa mga bagay na ayaw niya. Ngunit sa kanilang kaarawan, tila may espesyal na koneksyon pa rin sina Kathryn at Alden. Abangan ang mga susunod na kaganapan sa kanilang dalawa.