Alden at Kathryn, nakwento ang tungkol sa singsing na bigay ni Alden

– Sumalang sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa isang “Lie Detector Test” sa panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe

– Inamin ni Alden na bukod sa bulaklak, nagbigay siya ng singsing kay Kathryn matapos itong mawalan ng singsing sa isang party

– Nahanap din ni Kathryn ang kanyang nawalang singsing kaya’t ngayon ay dalawang singsing na ang kanyang suot

– Nilinaw ni Kathryn na si Kuya Arlie ang kasama niya sa viral TikTok video pero jacket ni Alden ang suot ng mystery man

Noong Biyernes, Oktubre 18, naging usap-usapan ang panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe sa mga bida ng pelikulang Hello, Love, Again na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Isa sa mga nakakakilig na tanong kay Alden ay kung bukod sa bulaklak, ay binigyan din ba niya ng singsing si Kathryn.

Read also

Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro

Alden Richards at Kathryn Bernardo, nakwento ang tungkol sa singsing na bigay ni Alden (ABS-CBN News)
Alden Richards at Kathryn Bernardo, nakwento ang tungkol sa singsing na bigay ni Alden (ABS-CBN News)
Source: Instagram

Nagkatinginan pa ang dalawa bago sumagot si Alden ng may kumpiyansang, “Yes, yes.” Ikinuwento ng aktor na galing sila sa isang party ng kanilang kaibigan nang biglang mag-message si Kathryn dahil nawawala raw ang kanyang singsing. “We came from a party of a friend. And then afterwards, doon na nag-message lang sa akin si Kath. She lost her ring,” dagdag pa ni Alden.

Sabat naman ni Kathryn, “It’s not a ring. It’s like a health ring.” Nilinaw rin ni Alden na nag-extra effort lang siya sa sitwasyon para tulungan si Kathryn na mahanap ang nawalang singsing. Ngunit sa huli, nahanap din daw ni Kathryn ang nawawalang singsing, kaya’t ngayon, dala-dalawang singsing na ang kanyang suot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa usapang singsing, naitanong din kay Kathryn ang tungkol sa isang TikTok video na naging viral, kung saan tampok ang isang braso ng isang lalaki na nakasuot ng white jacket. Nilinaw ni Kathryn na si Kuya Arlie umano ang kasama niya sa TikTok, ngunit jacket daw iyon ni Alden. “Si Kuya Arlie ‘yon. Kasi ang tagal ko nang hindi nag-TikTok tapos nag-taping kami no’n for All-Out Sunday. Then sabi ko, parang I wanna do TikTok. Pero jacket ni Tisoy [Alden] ‘yon,” aniya.

Read also

Anne Curtis, nag-react sa ‘asawa ni Anne Curtis’ video ni Erwan

Patuloy na sinusubaybayan ng kanilang fans ang nakakakilig na tambalan nina Alden at Kathryn, lalo na’t palapit na ang kanilang pelikula.

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng “It Might Be You”. Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang “KathNiel.”

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na “Hello Love Again.” Katunayan, marami na ang tila hindi na makapaghintay at excited na sa showing ng naturang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 13.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng ‘Rewind’ nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!