Aktwal Na Pagde-Date Nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez

 Pinag-uusapan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang totoong estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales matapos silang mamataan na magkasama na tila nagdi-date sa isang mall noong nakaraang linggo.

Naging laman sa social media ang ibinahaging larawan ng isang netizen na pinaghihinalaan na sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.

Ayon pa sa uploader na nakita niya sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa Power Plant Mall. Tila manonood umano ng sine ang dalawa dahil bumibili ang mga ito ng snacks sa Jamaican Patty.

Sinabi naman ng uploader na hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng dalawa o baka magkaibigan lamang ang mga ito.

Blurred din umano ang pagkakakuha niya sa larawan ng dalawa dahil nagmamadali siya at baka siya ay mahuli.

Kaagad naman itong umani ng samu’t-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens may mga nagsasabi na pabayaan na lamang ang dalawang stars sa kanilang mga pinaggagawa dahil nasa tamang edad naman na ang mga ito at pareho rin namang single.

May mga nagsasabi pa na baka ay magkakaroon ng pagtatambalang proekto ang dalawa kaya naman ngayon pa lamang ay pinapaingay na nila ang kanilang mga pangalan.

Matatandaan na unang nalink si Jericho Rosales sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos nilang mamataang magkasama ng ilang beses sa mga gathering kasama ang kanilang mga kaibigan.

Pinaghinalaan pa noon ng marami na nililigawan ni Jericho Rosales ang aktres dahil sa ipinapakita nilang closeness. Natahimik lamang ang usaping ito nang pumasok sa eksena ang Kapuso actor na si Alden Richards.