Ai-Ai Delas Alas Dismayado Sa Abs-Cbn Dahil Sa Pagbasura Ng Request Niya

 Hindi naitago ng comedian na si Ai-Ai Delas Alas ang  kanyang inis sa ABS-CBN Management at sa Star Magic, matapos makarating sa kanya ang balitang pinatatanggal ang mga articles sa ilang mga news sites patungkol sa kanyang pakikipagnegosasyon sa Star Cinema at kahilingan na magkaroon ng reunion project sila sa pelikulang Tanging Ina.

Ipinahayag ng kinikilalang comedy queen na si Ai-Ai Delas Alas ang kanyang pagkadismaya matapos makarating sa kanya ang balitang tinanggal ng ABS-CBN ang article tungkol sa kahilingan niya sa Star Cinema kung maaring magkaroon ng reunion project silang mga cast ng Tanging Ina na dating pinangungunahan niya.

Sa inilabas na video ni Ai-Ai Delas Alas na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, iginiit niyang wala naman umanong masama sa kahilingan niya na magkaroon sila ng reunion project gayung hindi naman umano nalugi sa kanya noon ang Star Cinema at ABS-CBN.

Iginiit ni Ai-Ai Delas Alas na wala namang masama sa kanyang pagtatanong patungkol kung may posibilidad bang mangyari ito at wala rin umanong masama kung maibabalita ito.

Kaya naman hindi niya nagustuhan ang ginawang hakbang ng Star Cinema dahil tila minamaliit siya ng mga ito ng labis.

Kaagad naman na nagreak ang maraming mga netizens sa ibinahaging post ni Ai-Ai Delas Alas, marami sa mga nerizens ang nagpaalala kay Ai-Ai Delas Alas sa ginawa niya noon sa Star Cinema na maaring dahilan kung bakit ayaw nang mga ito na makipagtrabaho sa kanya.

Matatandaan na matapos ang paglipat niya sa GMA7 ay pinaringgan niya ang pelikula ng Star Magic at iginiit na ang pelikula talaga nila ni Vic Sotto kung saan nakasama rin niya sina Alden Richards at Maine Mendoza ang totoong nangunguna sa takilya.