ABS-CBN draws flak over BINI, 2NE1 concerts post
Inulan ng batikos ang burado nang social media post ng ABS-CBN News tungkol sa magkahiwalay na concerts sa Nobyembre ng P-pop girl group na BINI at ng K-pop supergroup na 2NE1.
Noong September 6, 2024, pormal na inanunsiyo ng YG Entertainment ang Welcome Back world concert tour ng 2NE1.
Kabilang sa kanilang pupuntahan ang Pilipinas, at gaganapin ang concert nila sa November 16. Wala pang venue ang concert.
Saktong sumabay ito sa unang araw ng grand BINIverse concert ng P-pop girl group na mangyayari sa Araneta Coliseum sa November 16 hanggang 18.
ABS-CBN post about BINI-2NE1’s upcoming concertS
Sa Reddit nitong Linggo, September 8, usap-usapan ang social media post ng ABS-CBN News, kunsaan marami sa Blackjacks (fans ng 2NE1) ang hindi magustuhan ang gawi kung paano i-promote ng ABS-CBN ang concert ng BINI.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang nasabing social media, ngunit ayon sa mga nakakita, tila pinagsasabong daw ng ABS-CBN ang dalawang girl groups nang tanungin kung ano ang mas pipiliing puntahan at panoorin ng publiko sa magkasabay na concerts.
Post ng isang netizen (published as is), “Few days ago nang i-announce ang concert tour date ng 2ne1, nag-post ang ABSCBN News account if ano pipiliing puntahan kung sa Bini o 2ne1 ba.
“Mukhang hindi nila nakuha ang gusto nilang feedback kasi binomba sila ng Blackjacks sa X.
“Too bad, hindi ko na makita ang deleted post para mas kumpletong resibo.”
Sa comments section ng nasabing post ay marami sa netizens ang agad na naglabas din ng kanilang opinyon.
Ayon sa ilan, hindi kailangang ikumpara ang BINI sa 2NE1, dahil malayung-malayo pa raw ang P-pop group kumpara sa nakamit at pinagdaanan ng sikat na K-pop girl group.
Saad ng isang netizen (published as is), “Lol but nila e compare yung BINI sa 2ne1 na ang layo nung milestone difference same din for fans worldwide yung fans ng 2ne1 at since they are doing a comeback tlgang dadagsa yung pupunta para makita sila after years of being not together e compare me yung BINI na mostly pinoy yung fans.”