Chloe San Jose, Carlos Yulo bashers

Matapos gawin ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang ilan niyang nabinbing commitments sa Pilipinas, bumiyahe naman siya papuntang South Korea.

Siyempre kasama niyang nagbakasyon ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Sa Facebook, nag-post si Chloe ng sweet na larawan nila ni Carlos. Kuha ito sa Lotte World, isang major recreation complex sa Seoul, South Korea.

Caption niya, “Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

CHLOE SAN JOSE ANSWERS BASHERS

Isang netizen ang tila galit kay Chloe.

Ipinost niya ang diumano’y quote sa isang interview ni Chloe.

Mababasa sa quote, “Gustong-gusto ko pong mawala na ang ‘utang na loob’ culture dito sa Pilipinas dahil sobrang toxic po nito. Hindi po porket ipinagbuntis ka ng 9 na months, pinakain, pinagaral, at pinagtapos ay obligasyon mo na agad tumanaw ng utang na loob sa parents mo.

“Responsibilidad po ng mga magulang ito. May sariling buhay po ang anak at dapat hayaan siyang magbuo ng sarili niyang future nang hindi na kayo nakikialam. Ganito po ang kinalakihan ko sa Australia at sana maging normal na rin ito dito sa Pinas.”

Netizen comment 1

Sabi nito kay Chloe, “Sabihin mo yan sa magiging anak mo in the future ha! Hahaha”

Sagot sa kanya ni Chloe, fake daw ito at wala siyang sinabing ganito.

Aniya, “eh? hindi ko naman sinabi yarn?? fake news believer”

Comment of netizen on chloe san jose

Sabi ng isa pa, baka raw ginayuma ni Chloe si Carlos.

Komento ng netizen, “Paano kaya kung walang pera si caloy? Ginayoma na masyado ng chloe.

“Iba na talaga pag may pera na, tinalikuran na ang pamilya nya.kahit man siguro may alitan ,hindi pagkakaunawaan sa knila.family is family pa rin.kahit yata isang andoks letchon hindi pa naitreat ang fmily sorry to say pero matut0 tayo lumingon sa pinanggalingan.kahit gaano man kasama ang ginawa ng magulang mo sau.still give them.respect..treat them kahit simple lang ..”

Pabirong sagot ni Chloe, “okaaayyddtt toxic behaviour enjoyer—ikaw na lang, kaya mo na yan auntie! Gow gow gow”

Netizen comments about

Netizen to chloe san jose: “ikaw yung nag papakasasa sa pera ni caloy…”

Isa namang netizen ang nagpamukha kay Chloe na diumano ito ang nagpapakasasa sa pera ng Olympian.

Lagpas isandaang milyon kasi ang perang reward ni Carlos mula sa iba’t ibang kumpanya at individual sa Pilipinas na humanga sa kanyang tagumpay.

Ayon sa netizen, “D ka naman nahihiya ikaw yung nag papakasasa sa pera ni caloy ang japal din ng muka mo no kasing kapal ng hallow blocks”

Tugon ni Chloe, “gawain mo siguro yan, mag pakasasa sa pera ng iba… ganyan talaga siguro mag salita yung mga people who don’t know how to earn their own money and ginagamit ibang tao as investment for their own leisure”

Netizen to Chloe on money issue

Umaasa naman ang isa pang netizen na magkakaayos na sina Carlos at mga magulang na sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.

Sabi nito, “Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more”

Netizen on Chloe San Jose reunion with Carlos Yulo's parents

Sagot ni Chloe, “reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too”

Netizen on Chloe San Jose reunion with Carlos Yulo's parents

2024: FAMILY PROBLEMS SURFACE

Ngayong 2024 lamang nalaman ng publiko na may hinaharap na family problems ang bemedaled gymnast.

Sa una ay alingasngas pa lang ang sinasabing mga dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.

Una, may kinuha raw na pera ang ina ni Carlos.

Pangalawa, hindi raw sang-ayon ang ina ni Carlos sa pakikipagrelasyon ng anak kay Chloe.

Nakumpirma lamang ang mga isyung ito nang nagpaunlak ng panayam si Angelica sa Bombo Radyo noong August 4.

Dito ay inamin niyang may kinuha siyang salapi nang hindi alam ni Carlos.

Nagkakahalaga raw itong PHP70,000 cash incentive mula sa World Championships noong 2021 sa Japan.

Pahayag ni Angelica, sa kanya raw ibinigay ng isang “Ma’am Weng” ang nasabing halaga dahil “red flag” umano si Chloe, na siyang kasa-kasama lagi ng kanyang anak.

“Ekis din, red flag din sa kanila yung girl. So, sa akin binigay. Nararamdaman ko na bilang ina na baka maubos yung anak ko in the future,” sabi niya.

Dagdag pa ni Angelica, si Chloe ang pinagsimulan ng pagtatampo niya sa anak.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga.”

Hindi raw niya nagustuhang pinili ni Carlos na mas makasama ang kasintahan lalo pa’t nagte-training ito.

Dagdag pa ni Angelica, “Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.

“Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

“So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama?

“Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid.”

Mula nang nakauwi si Carlos mula Paris, hindi pa sila nagkikita ng kanyang pamilya.

READ MORE: