Tulad ni dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd C

Tulad ni dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao, nagpiyansa rin ang dating health chief ng bansa para sa mga kasong paglabag sa anti-graft law.

Sinabi ni dating Department of Health Secretary Francisco Duque III na agad siyang naglagak ng piyansa noong Setyembre 4 pagkatapos malaman ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan laban sa kanya.

Sina Duque at Lao ay inimbestigahan dahil sa umano’y iregularidad kasunod ng paglilipat ng DOH ng ₱41 bilyon sa Procurement Services ng DBM para makabili ng kinakailangang supplies sa panahon ng pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

Nilinaw din noon ni Duque na kailangan ang pagkuha ng mga serbisyo ng PS-DBM sa pagbili ng mga medical supplies tulad ng face shield at face mask dahil nahaharap ang bansa sa isang health emergency.

#PilipinasToday
#DOH
#WannaFactPH