Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Setyembre 19, na bumababa
Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Setyembre 19, na bumababa ang mga kaso ng leptospirosis sa bansa nitong nakaraang ilang linggo.
Mula Hulyo 28 hanggang Agosto 10, naitala ang kaso ng leptospirosis sa1,726, na bumaba ng 77 porsiyento hanggang 396 na kaso mula Agosto 11 hanggang 24. Nagpatuloy ang pagbaba na may 124 na kaso na naiulat mula Agosto 25 hanggang Setyembre 7.
Noong Setyembre 7, 2024, mayroong 4,575 na naiulat na mga kaso sa buong bansa – isang 11 porsiyento na pagtaas mula sa nakaraang taon. Gayunpaman, bumaba ang mga pagkamatay ng 17 porsiyento, na may 393 na mga nasawi ngayong taon kumpara sa 475 noong 2023.
“As cases of leptospirosis continue to decrease, we must remain vigilant and take proactive measures to protect ourselves and our loved ones,” saad ni Health Secretary Herbosa.
Bagama’t ang MMDA ordinance ay nakikita bilang isang proactive na hakbang laban sa leptospirosis, inulit din ni Herbosa ang kahalagahan ng maagang pagtuklas, intervention sa medisina, at pagpapanatili ng good hygiene.
#PilipinasToday
#DOH
#MMDA
#WannaFactPH