Kanina habang pauwi galing work nakita ko si nanay sa stoplight, may tulak siyan

Kanina habang pauwi galing work nakita ko si nanay sa stoplight, may tulak siyang wheelchair tapos iniintay niya kung pag bibigyan ba siya ng mga sasakyan na tumawid, kaso hindi. Para kong nadudurog sa kada hakbang mo. yung awa at yung pagaalala. ‘Di ko din alam kung bakit kahit ang layo mo na, di ko maalis yung tingin ko sayo. ‘Di ko talaga alam bat parang may humahatak sakin papunta sa pupuntahan mo. basta sabi ko nalang sa rider ng joyride “kuya ikot mo, sundan natin si nanay” tas nakita kita, shempre pag baba ko nilapitan kita agad.

“Nay, kumain ka na?”

“Hindi pa. kumakalam na nga tong tiyan ko”

“Nay kain tayo jan sa bagong Mcdo oh”

“Talaga? thank you Lord makakain na ko” 💔

Lumuluha ka pa habang pinagmamalaki mo sa mga construction worker na nadaanan natin na kakain tayo sa Mcdo 🥺

“Siksik, liglig at umaapaw ang biyaya ng taong nagbibigay at di madamot sa kapwa” -nanay

Ang saya lang na makatulong. kahit maliit na bagay lang para satin, malaking bagay na pala sa iba. Thank you nay sa yakap at aral na pinabaon mo sakin. ‘Di matutumbasan ng kahit ano yung saya ng puso ko ngayon na kahit papano napangiti kita 🤍

📸Miel Oli