Gerald Anderson’s mother asks for “apo” as a birthday gift

Dumalo ang aktres na si Julia Barretto sa 66th birthday celebration ng ina ng kanyang nobyo na si Gerald Anderson.

Sa mga litratong in-upload ni Gerald sa Instagram noong September 14, 2024, makikitang kasama niya si Julia na lumipad pa-General Santos City para dumalo sa kaarawan ng ina ng aktor na si Evangeline.

Julia Barretto attends Gerald Anderson's mother's birthday celebration.

Photo/s: @andersongeraldjr on Instagram

“Happy birthday Ma,” simpleng caption ni Gerald sa kanyang post.

GERALD’S MOM ASKS FOR A BIRTHDAY PRESENT

Bukod sa mga picture na in-upload ni Gerald, isang video rin sa TikTok ang lumabas kunsaan makikita si Gerald na nagbibigay mensahe sa kanyang ina.

Kuha ang video ng isang netizen na dumalo sa nasabing birthday celebration.

Mensahe ni Gerald: “Happy Birthday. We wish you the best, Ma.

“Thank you sa all the years na pag-aalaga sa amin. Salamat dahil inalagaan mo kami.

“Alam namin na ibibigay mo ang lahat para sa amin at ibibigay din namin ang lahat para sa iyo.”

Kalakip ng pangakong ibibigay niya lahat, bahagyang napatigil si Gerald dahil aniya’y may mga bagay siya ngayong hindi pa maibigay na baka ikatampo ng kanyang ina.

Aniya, “Lahat ng gusto mo ibibigay namin. Pero kapag hindi naman namin kaya, huwag ka na magtampo.”

Sagot naman ni Evangeline, wala siyang hinihingi na hindi kayang ibigay ng kanyang mga anak, lalo na ni Gerald.

Tumatanda na raw kasi siya. Kung may nais man daw siyang hingin ngayon bilang birthday gift, ito ay ang magkaroon ng apo kay Gerald at nobya nitong si Julia.

Saad niuya kay Gerald, “Hindi naman nanghihingi si Mama na hindi niyo kaya, e. I’m having a little bit… so I’m asking you, give me a…[apo].

Hindi na nagawang ituloy pa ni Evangeline ang kanyang sasabihin dahil sa hiya nang makitang nakatitig sa kanya si Gerald, na halata ring nabigla sa sinabi ng ina.

Gerald on marrying Julia

Bukas sa publikong sabihin ni Gerald na sa punto ng buhay niya ngayon ay nais na rin niyang lumagay sa tahimik.

Sa vlog sa YouTube ng broadcaster na si Karen Davila noong June 6, 2024, napag-usapan nila ng aktor ang tungkol sa pagpapakasal.

Solong naninirahan si Gerald sa halfway house niya sa Quezon City, kung saan katabi nito ang kanyang gym business.

Ayon kay Karen, nararapat na meron na talagang katuwang sa bahay at buhay ang aktor.

Sagot ni Gerald, “Actually, malapit na. Kailangan kasi siya yung mag-ano sa household, siya yung magbabantay.

“Siyempre, 35 na po ako. e. Mas malapit na ako dun sa…”

Hindi na itinuloy ni Gerald ang kanyang sinabi at iniba na ang topic.

Gerald Anderson and Julia Barretto sweet photo

Photo/s: Courtesy: Instagram

Tanong muli ni Karen, “But you are ready? Is that fair? Are you ready for marriage?”

Sagot ni Gerald, “Yeah, of course. I’m closer to that. Kasi kung five, three years ago, tanong niyo sa akin yan, ‘Hindi, hindi.’

“But siyempre, that’s why I’m doing all of this. Kasi gusto ko maalagaan yung mga anak ko. Na wala silang iisipin.

“But hindi sila puwede maging spoiled. Kasi hindi madali ang buhay.

“So, yun. Just… everything I do in life is leading up to yung aspeto na yan.”

Tinanong din si Gerald kung ano ang kaibahan ni Julia sa kanyang mga naging karelasyon noon.

Tugon ng aktor: “Because we support each other. Yun ang pinakaimportante dun, e.

“She supports me with my endeavors, yung trabaho ko, yung pagba-basketball ko.

“Alam din kasi niya na yun din yung nagbibigay, nagpapasaya sa akin.

“Yun din yung nag-motivate sa akin every day. Sana, she sees how passionate I am about yung mga bagay na yun.

“And she supports me. And vice versa din.

“You know, I always try to push her to be the best version of herself.

“We’re going through this journey together.

“Marami highs and lows, but as long as gagawin natin together, I think it makes everything better.”

Sa ngayon ay nananatiling matatag ang relasyon nina Gerald at Julia matapos nilang isapubliko ang kanilang pag-iibigan noong March 2021.