Maraming barko ng China, umalis din sa Escoda Shoal

Maraming barko ng China ang umalis din sa Escoda o Sabina Shoal kasunod ng pag-alis ng BRP Teresa Magbanua.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson ng Philippine Coast Guard, na 11 na Chinese maritime militia vessels ang nananatili sa Escoda Shoal, habang wala nang barko ng China Coast ang nakita sa lugar.

Ayon kay Tarriela, ang masamang panahon ang nagbunsod sa bansa at Biejing na paalisin ang kanilang mga barko sa Escoda Shoal.

Matapos ang mahigit limang buwan, dumating sa port sa Puerto Princesa, Palawan ang Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal kahapon.