SUSPEK SA PAGPASLANG SA NAWAWALANG BATA AT NATAGPUANG NAKASAKO INARESTO NG PNP N

SUSPEK SA PAGPASLANG SA NAWAWALANG BATA AT NATAGPUANG NAKASAKO INARESTO NG PNP NG TAYTAY

Nadakip na ng kapulisan ang diumano’y suspek sa pagpaslang sa batang nawawala na kalauna’y nakitang nakasako sa Taytay, Rizal.

Pinangunahan ni Police Col. Felipe B. Maraggun Provincial Director, kasama si Hon. Lengjoey Calderon, Chairman Brgy. Sta Ana Taytay, Rizal sa pagsagawa ng pagaresto sa suspek ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station kasama din ang hepe nito na si Police Lieutenant Colonel Gaylor F Pagala.

Nakita din ng dalawang kapatid ng suspek ang proseso ng pag-aresto.

Malaki din ang pasasalamat ng ina ni Rylai sa pagkadakip ng suspek na ayon sa kanyang ina ay sisiguraduhin niya diumano na pagbabayaran niya ang nagawa ng suspek sa kanyang anak.

“Salamat at nahuli ka na. Hinding hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay yung sakit na idinulot mo sa pamilya namin, habang buhay naming dadalhin ang pagkawala ng anak namin. Mabubulok ka sa kulungan un ang sinisigurado ko sayo wala kang karapatan na mamuhay ng malaya sa kabila ng ginawa mong kahayupan.” Caption ni Kristelle Ann Albotra sa kanyang Facebook post.

#JusticeForRylai #raffytulfoinaction

Photos: Rizal Police Provincial Office, Kristelle Ann Albotra