Pinoy history:

Ngayon araw, September 15, ginugunita ang Malolos Congress na binuksan sa Barasoain Church sa Bulacan noong 1898, ito ang simula ng National convention of the Philippine revolutionary government, na kalauna’y ‘di rin nagtagumpay dahil pagdating ng mga Amerikano.

Nasa luma nating sampung pisong papel ang simbahang ito, kung saan kinatuwaan pa ng ilang Filipino sa diumanong daga o pusang nasa tuktok daw ng simbahang ito. Matapos ang ilang dekada nilinaw ng ating Banko Central na walang kung anu sa taas ng simbahan, ito ay disenyong bahagi lamang ng prominenteng Barasoain Church.

Tinayo ang Barasoin Church noong 1888, taong 1985 inimprinta ang sampung pisong papel na ito at nawala na sa sirkulasyon noong 2002.