Liza Soberano no longer with Careless Music

Kumpirmadong wala na sa pangangalaga ng talent management na Careless Music ang aktres na si Liza Soberano.

Mismong ang pamunuan na ng Careless Music ang nagsapubliko nito through a post sa Instagram Story ngayong Sabado, September 14, 2024, matapos ang ilang linggong bulung-bulungang umalis na sa kanilang poder si Liza.

Mababasa sa pahayag ng Careless Music:

“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024.

“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors.”

Liza Soberano is no longer with Careless Music

Photo/s: Screengrab @carelssph on Instagram

LIZA UNFOLLOWS CARELESS MUSIC ON INSTAGRAM

Bago ang anunsiyong ito, unang napansin ng netizens ang hindi pagpu-promote ng Careless Music kay Liza sa social-media pages nito simula pa noong August 2024.

Mas lalo pang nagliyab ang usap-usapang umalis na si Liza nang i-unfollow niya sa Instagram ang Careless Music.

Liza Soberano is no longer with Careless Music

Pero ang Careless Music ay nananatili pa ring pina-follow si Liza.

Liza Soberano is no longer with Careless Music

Ang Careless Music, ay isang record label at talent management company na pinamumunuan ng actor-singer na si James Reid, kasosyo ang American-Korean businessman na si Jeffrey Oh.

Pumirma ng kontrata si Liza sa Careless noong June 2022 matapos niyang magdesisyong hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager na si Ogie Diaz.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Liza na kasalukuyang nasa United States.

Samantala, makailang beses nang napabalita ang pag-alis ni Liza sa Careless.

Noong October 2023, napabalitang ang tiyahin ni Liza, si Tita Jonie, ang nagma-manage ng showbiz career niya

Si Tita Jonie ang tumayong road manager at personal assistant ni Liza sa loob ng mahabang panahon.

Mabilis namang pinabulaanan ito ng Careless.

Nagpadala ito ng maikling pahayag sa ABS-CBN News noong October 25, 2023: “Liza Soberano is still with Careless Music. No statement on the rumor. Thank you for clarifying.”