Gabbi Garcia on Kalokalike comment about Ruru Madrid-Bianca Umali

Tawang-tawa si Gabbi Garcia nang makarating sa kanya ang komento ng isang “Kalokalike Face 4” contestant sa It’s Showtime na si Kevin Dangcalan, na nagpakilalang ka-lookalike ng Kapuso actor na siRuru Madrid.”

Sumali si Kevin sa “Kalokalike Face 4” noong September 2, 2024.

Kevin Dancalan Kalokalike

Sa pagtakbo ng segment, tinanong ni Vice Ganda si “Ruru” kung sino ang madalas nilang pinag-aawayan ng girlfriend na si Bianca Umali, na nagkataong nakaupo bilang judge sa segment.

Tanong ni Vice, “Sinong artista ang pinag-aawayan niyo?”

Walang kagatul-gatol na sagot ng contestant, “Gabbi.”

Gulat na nakangiting sagot ni Bianca, “Huy!”

Napabalikwas din ang Kapuso actress sa kanyang upuan.

GABBI GARCIA: “Nakakaloka lang si Kalokalike

Sa panayam ni Aubrey Carampel kay Gabbi para sa 24 Oras, kinuha ang rekaksiyon ng aktres sa naging eksena sa It’s Showtime.

Aniya, “Nakakaloka lang si Kalokalike!”

Biro pa niya, “Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga to. Parang hindi ako to.”

At wala na rin daw isyu sa kanya ang mga ganitong usapin.

Naging magkarelasyon sina Ruru at Gabi noong mga bata pa sila: si Gabbi ay 15 years old at si Ruru naman ay 16 years old.

Sabi ni Gabbi, na ngayon ay 25 years old na, “Pero, well, kidding aside, I’m happy for both Bianca and Ruru naman talaga, and it’s nice to see them happy din together.”

GABBI GARCIA REUNITES WITH RURU MADRID IN SANG’GRE

Magsasama rin muli sina Gabbi at Ruru sa bagong proyekto ng GMA na Sang’gre.

Sabi pa ni Gabbi, “Naglolokohan nga kami na, grabe, after eight years, isipin mo naging Alena at Ybrahim/Ybarro ulit siya at ako. So, nakaka-throwback lang. Nakakatuwa.”

Masaya rin si Ruru na makatrabaho muli niya si Gabbi, na masaya na rin ngayon sa piling ng boyfriend na si Khalil Ramos.

Sabi ni Ruru sa parehong panayam, “I am very happy rin for her na she’s doing her own thing, na yun talagang pinapangarap niya before, ngayon ginagawa niya na.

“And I think kitang-kita ko naman din yung happiness niya with Khalil, matagal na rin sila. We’re very happy para po sa kanilang dalawa.”