Vlogger in hot water for unauthorized “date” shoot inside LRT-2

Pinag-iisipan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbibigay ng parusa sa vlogger na nag-shoot ng kanyang “random train date” sa loob ng LRT-2 train.

Ayon sa official statement ng LRTA, walang natanggap na anumang clearance o paalam ang kanilang pamunuan.

At hindi rin basta-basta pinapayagan ang anumang shoot sa pangambang ma-violate ang privacy ng mga pasaherong nakasakay.

THE RANDOM TRAIN DATE VIDEO

Sa video na in-upload sa Tiktok account na @TrionKwentos, makikita ang vlogger katabi ang isang female passenger.

Maglalabas ito ng folding table, papatungan ng puting table cloth, lalagyan ng picnic basket, pati na rin mga baso, candelabra, kandila, at plato.

Pagkatapos, tila susuyuin at aayain ang female passenger na mag-date sa loob mismo ng coach.

Ginaya ang konsepto ng content na ito sa foreign content creators.

random train date
The content creator imitated train date videos of foreign vloggers.

Photo/s: @trionkwentos

LRTA REACTS

Giit ng LRTA sa official statement nito via social media nitong September 9, 2024, na ang video ay ginawa “without proper authorization or clearance.”

Saad pa rito, “Such activities are strictly prohibited on LRTA premises and facilities.”

Hinimok din ng LRTA ang vloggers at content creators na irespeto ang mga pasahero at sumunod sa safety and security regulations.

“The LRTA reserves the right to take appropriate action against individuals who violate safety and security guidelines.”

LRTA official statement

LRTA MULLS OVER ACTIONS VS VLOGGER

Ipinaliwanag naman ni LRTA Administrator Hernando Cabrera ang danger ng ginawa ng vlogger.

“Anytime kasi, puwedeng mag-activate yung emergency brake natin o biglang mag-sudden stop o mag-decrease suddenly yung speed natin, magliliparan yun…

“Yung baso puwedeng tumilapon, tatama sa pasahero,” Ani Cabrera sa ulat ng ABS-CBN News.

Sinabi rin niyang bawal ang pagkain sa loob ng train. Sa video kasi ay nagbukas ng tinapay ang vlogger at kumain.

Sinabi rin ni Cabrera na may mga pagkakataong nagrereklamo ang mga pasahero na nahahagip sa video nang hindi sila naabisuhan.

Pinag-iisipan ngayon ng LRTA kung anong hakbang ang gagawin nito laban sa vlogger.

Ani Cabrera: “We’re thinking of sulatan siya, i-call yung attention niya, or ipatawag namin siya or bigyan siya ng sanction. Ayaw na naming palakihin ito.”

May instructions na rin daw ang security guards na sitahin ang content creators na may balak gumawa ng ganitong klaseng content para wag nang tularan.

Iginiit din ni Cabrera na hindi naman nila totally pinagbabawalan ang content creators, pero kailangan muna nilang humingi ng permiso at clearance mula sa kinauukulan.