Sandra Lemonon-Sol Mercado wedding in Bali, Indonesia

Kasal na ang Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Sandra Lemonon sa former Barangay Ginebra player na si Sol Mercado.

Sa Instagram account ng Niceprint Photography noong September 8, 2024, ibinahagi rito ang ilang intimate scenes sa naganap na wedding ceremony nina Sandra at Sol sa Bali, Indonesia.

Nakalagay sa caption, “A perfect wedding in Bali for the Mercados— @m3rcmywords & @sandralemonon

“Congratulations to our beautiful couple! We are ecstatic to show our official photos & videos #niceprintinternational #baliwedding #MySolInBali

Na-engage sina Sandra at Sol noong March 2022, kung saan ipinakita ng beauty queen ang isang blurred photo nila ni Sol na magkayakap habang naka-focus ang kamay na may suot na singsing.

Saad ni Sandra sa caption: “[infinity emoji] with you @m3rcmywords [heart, fire emojis] I love you [sparkles emoji], 11/03/2022, 5:00pm”

SANDRA LEMONON, SOL MERCADO FAMILY

Naging buo na ang pamilya nina Sandra at Sol dahil isang araw matapos niyang ianunsiyong engaged na sila, ipinaalam naman nila sa publiko na nagdadalantao ang beauty pageant veteran.

Caption pa ni Sandra sa kanyang post noon, “Creating life together.”

Sandra Lemonon pregnancy

At noong July 3, 2022, sa pamamagitan ng Instagram, ipinakilala nila ang kanilang bagong silang na baby boy na si Zaiah Rafael Mercado.

Ayon kay Sandra, ipinanganak niya si Baby Z noong June 21, ng eksaktong 10:07 p.m.

Sabi niya sa caption, ‘”Pinkie vow, now and forever.”