ABS-CBN draws flak over BINI, 2NE1 concerts post

Inulan ng batikos ang burado nang social media post ng ABS-CBN News tungkol sa magkahiwalay na concerts sa Nobyembre ng P-pop girl group na BINI at ng K-pop supergroup na 2NE1.

Noong September 6, 2024, pormal na inanunsiyo ng YG Entertainment ang Welcome Back world concert tour ng 2NE1.

Kabilang sa kanilang pupuntahan ang Pilipinas, at gaganapin ang concert nila sa November 16. Wala pang venue ang concert.

Saktong sumabay ito sa unang araw ng grand BINIverse concert ng P-pop girl group na mangyayari sa Araneta Coliseum sa November 16 hanggang 18.

ABS-CBN post about BINI-2NE1’s upcoming concertS

Sa Reddit nitong Linggo, September 8, usap-usapan ang social media post ng ABS-CBN News, kunsaan marami sa Blackjacks (fans ng 2NE1) ang hindi magustuhan ang gawi kung paano i-promote ng ABS-CBN ang concert ng BINI.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang nasabing social media, ngunit ayon sa mga nakakita, tila pinagsasabong daw ng ABS-CBN ang dalawang girl groups nang tanungin kung ano ang mas pipiliing puntahan at panoorin ng publiko sa magkasabay na concerts.

Post ng isang netizen (published as is), “Few days ago nang i-announce ang concert tour date ng 2ne1, nag-post ang ABSCBN News account if ano pipiliing puntahan kung sa Bini o 2ne1 ba.

“Mukhang hindi nila nakuha ang gusto nilang feedback kasi binomba sila ng Blackjacks sa X.

“Too bad, hindi ko na makita ang deleted post para mas kumpletong resibo.”

ABS-CBN draws flak over BINI-2NE1 concert post

Photo/s: Screengrab @Reddit

Sa comments section ng nasabing post ay marami sa netizens ang agad na naglabas din ng kanilang opinyon.

Ayon sa ilan, hindi kailangang ikumpara ang BINI sa 2NE1, dahil malayung-malayo pa raw ang P-pop group kumpara sa nakamit at pinagdaanan ng sikat na K-pop girl group.

Saad ng isang netizen (published as is), “Lol but nila e compare yung BINI sa 2ne1 na ang layo nung milestone difference same din for fans worldwide yung fans ng 2ne1 at since they are doing a comeback tlgang dadagsa yung pupunta para makita sila after years of being not together e compare me yung BINI na mostly pinoy yung fans.”

ABS-CBN draws flak over BINI-2NE1 concert post

Photo/s: Screengrab @Reddit

Sabi pa ng isa (published as is), “Not 2NE1 when this a reunion na hinintay ng Blackjacks for years. No hate to BINI pero if you know the energy for MAMA 2015 performance of 2NE1, then you know what will be the energy once ticket selling starts.”

ABS-CBN draws flak over BINI-2NE1 concert post

Photo/s: Screengrab @Reddit

May ilan ding netizens ang sinisisi ang talent management na humahawak ngayon sa karera ng BINI.

Taong 2009 nang mag-debut sila sa ilalim ng talent management na YG Entertainment.

Taong 2016 nang mag-disband sila matapos ang pitong taon nilang pagsasama at pagpe-perform bilang grupo.

Kilala sila sa mga kantang “I Am The Best,” “Fire,” “Lonely,” “I Don’t Care,” “Gotta Be You,” at “Come Back Home.”

Ang BINI naman ay binubuo nina Jhoanna Robles, Aiah Arceta, Colet Vergara, Maloi Ricalde, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, Mikha Lim, at Sheena Catacutan.

Nag-debut ang BINI sa pamamagitan ng single na “Born To Win” noong 2021.

Kilala sila sa mga kantang “Pantropiko,” “Karera,” “Salamin, Salamin,” “Cherry on Top,” “Huwag Muna Tayong Umuwi,” at “Lagi.”

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng BINI at ng kanilang management kaugnay ng isyung ito.