China, hawak na ang 74 gold sa Paris Paralympics
Hawak na ng bansang China ang pinakamaraming gintong medalya sa Paris Paralympics na kabuuang 74 gold, dalawang araw bago magtapos ang turneyo.
Sumusunod sa China ang United Kingdom na may kabuuang 36 gold at pangatlo ang US na mayroong 27 gold.
Nasa pang-apat na pwesto naman ang Netherlands na may kabuuang 21 gold, habang panglima ang host country na France na mayroong 17 gold medal.
Unang nagsimula ang paralympics noong Agusto 28, 2024 at magtatapos sa September 8, 2024.
Ito ay sinalihan ng humigit kumulang 4,400 Para-athletes mula sa 75 countries. Mayroon namang 549 medal na paglalabanan ng mga atleta.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa pinapalad ang mga Para-athletes ng bansa ngunit positibo naman ang Philippine contingent na makakapagbulsa pa rin ng medalya ang mga atletang Pinoy sa nagpapatuloy na turneyo.