Chloe San Jose accused of ruining Carlos Yulo’s family

Ang pagbabahagi ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo sa Facebook page nito ng social media post ng isang Gerald Fajardo ang tila kumpirmasyon at pagsang-ayon niyang lehitimo ang mga nakakaintrigag paratang ni Fajardo laban kay Chloe San Jose.

Si Chloe ang kontrobersiyal na kasintahan ng two-time Paris Olympic gold medalist.

Base sa Facebook profile ni Fajardo, isa itong “coach” ng modeling, dancing, acting, at personality development.

Pinaniniwalaang malapit siya sa pamilyang Yulo dahil kabilang sa “friends” niya sa Facebook ay ang mga magulang ni Carlos na sina Mark Andrew at Angelica Yulo, pati na ang nakababatang kapatid ng Olympic champion na si Karl Eldrew Yulo.

Sa pagbisita rin sa kanyang Facebook page ay makikita ang mga larawan ni Fajardo kung saan kasama nito ang pamilya Yulo, at maging sina Carlos at Chloe.

Gerald Fajardo with Carlos Yulo and Chloe San Jose
Gerald Fajardo with (left photo) Angelica Yulo and her children Karl Eldrew and Elaiza, (right photo) Chloe San Jose and Carlos Yulo.

Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

GERALD FAJARDO’S POST

Sa kanyang Facebook post kahapon, September 5, 2024, inaakusahan ni Fajardo na ang malakas na impluwensiya ni Chloe kay Carlos ang dahilan kaya nananatiling mailap at malayo sa pamilya nito ang world-class gymnast mula nang sumambulat ang hidwaan nila ng kanyang ina na si Angelica.

Pasakalye ni Fajardo (published as is): “Sa usaping interview,

“Una ni Angelica – napahiya sya diba?

“Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE…

“Pangalawa si CALOY – napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE…

“MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.”

Dinalirot din ni Fajardo ang “yaman” umano ni Chloe, na ang pamilya ay nakabase sa Australia.

Saad niya: “Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba… Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.

“Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? – well in fact di ka naman nakapasa. Sumahin mo yung mga subscriber’s na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY …

“Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw.”

Ang “Ma’am Cynthia” na tinutukoy ni Fajardo ay ang Gymnastics Association of the Philippines president na si Cynthia Carrion.

Hindi nilinaw ni Fajrdo kung ano in-apply-an ni Chloe.

FAJARDO ACCUSES CHLOE OF RUINING CARLOS’S FAMILY

Binuweltahan din ni Fajardo si Chloe sa pagkukumpara nito ng kanyang pamilya sa pamilya ni Carlos.

Direkta ring pinaratangan ni Fajardo si Chloe na siya umanong sumira sa pamilya ng two-time Paris Olympics gold medalist.

Pagkastigo niya kay Chloe: “Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.

“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo…

“Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO… Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.

“Diba, after kausapin si caloy… Para sa paghahanda sa Olympics .

“Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY …

“Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo.

“Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo?

“Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka?

“Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat. Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all around payan!!!

“At isa pa ha,…

“Yung nakilala mo si caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano?

“Diba gumawa ng paraan si caloy para mabuo ang pamilya mo.”

The Yulo Family
The Yulo Family in a 2019 family portrait

Photo/s: Mark Andrew Yulo Facebook

ON WHY ANGELICA YULO UTTERED HURTFUL WORDS TO CARLOS

Binalikan din ni Fajardo si Chloe sa pagsisiwalat nitong sinabihan ni Angelica si Carlos na “gagapang ka sa lupa” bago ito mag-qualify sa Paris Olympics.

Ayon kay Fajardo: “Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng “gagapang ka sa lupa” pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun?

“Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya?

“Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya.”

Umalma rin si Fajardo sa komento ni Chloe na “nakapagpatawad” na raw sila ni Carlos at humingi na ng sorry sa pamilya ng nobyo.

Pagsita niya: “At yung sinasabi mong nakapagpatawad na kayo? Bakit? Kasali ka ba sa pamilya? Pera mo ba yun?

“Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan?

“Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.”

Dagdag ni Fajardo: “+ikaw CHLOE.. Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan…

“Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?

“Well… Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin.

“Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat…”

CHLOE SAN JOSE’S ALLEGED MESSAGES / POST AGAINST ANGELICA YULO

Kalakip ng mahabang mensahe ni Fajardo ay ang screenshots ng mga mensahe at social media posts umano ni Chloe laban sa ina ni Carlos na si Angelica noong Oktubre 2023.

Ang sumusunod ay tila galing sa dating group chat na kinabibilangan nina Chloe at Angelica:

chloe san jose post

Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

chloe san jose post

Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

chloe san jose

Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

Kasama rin sa mga ibinahaging screenshot post ni Fajardo ang komento ni Carlos sa tila pa-blind item ni Chloe tungkol sa isang “magnanakaw ng pera.”

Mababasang komento ni Carlos: “Sinungaling na magna pa hahaha best award talaga ang beshywap”

chloe san jose post

Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

Walang indikasyon kung sino ang pinatutungkulan nina Chloe at Carlos, ngunit sa isang komento ni Mark Andrew ay sinabihan niya ang Olympic champion na humingi ng tawad sa kanyang sariling ina, na sinabihan niyang “sinungaling” at “magnanakaw.”

Ni-repost at ni-like ng ama ni Carlos na si Mark Andrew ang Facebook post na ito ni Gerald.

Wala siyang inilagay na caption o komento.

mark andrew yulo post

Photo/s: Mark Andrew Yulo Facebook

Isang buwan na ang nakalilipas buhat nang pagpistahan at pag-usapan ng publiko ang away ni Carlos at ng pamilya nito, pero mainit pa rin itong tinatalakay ng netizens sa social media.

Maaaring matagalan pa bago malutas ang malalim na sigalot sa pagitan ng magkabilang-panig dahil sa mga bagong rebelasyon na lumilitaw na mahirap pabulaanan dahil sa mga screenshot na nakasisira sa imahe nina Carlos at Chloe, na nakararanas ngayon ng masasakit na batikos mula sa mga taong nakikisimpatiya sa mga magulang ng kanyang boyfriend.