Pilipinas today:

Bilang mga corporate social responsibility units ng MVP Group ni Manny V. Pangilinan, nakibahagi ang PLDT-Smart Foundation, PLDT Smart Communications Inc., at PLDT Inc., kasama ang For the Women (FTW) Foundation sa seremonyang ginanap sa Smart Tower sa Makati City, upang magpaabot ng mensahe ng inspirasyon para mga iskolar na nagtapos.

Dumalo rin sa seremonya si PLDT at Smart Chief People Officer Gina P. OrdoƱez, pati ang broadcast journalist na si Karen Davila, na nagbigay-mensahe rin sa mga data science graduates.

Kinikilala ng PLDT at Smart ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba at pagsasama tungo sa isang pagbabago at pag-unlad, at tumuon sa hangarin ni Manny V. Pangilinan para sa pagtitiyak ng isang mas inclusive na tech ecosystem kung saan ang kababaihan ay lubos na pinahahalagahan at binibigyang-kapangyarihan upang maging mahusay at may kalinangan.

Layunin ng partnership na ito na bigyang-daan ang PLDT, Smart, PSF, at FTW na mag-ambag sa UNSDG #10: Reduced Inequalities sa pamamagitan ng pagbibigay-oportunidad at pagtataguyod ng panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitikang pagkakaisa ng lahat.

#PilipinasToday
#MPIC
#PusongMVP
#MetroPacificInvestments
#MannyPangilinan
#TheBigNews