Pilipinas today:

Bilang pangunahing sponsor ng pag-aamyenda ng “discriminatory provisions” ng Doble Plaka Law, una nang mariing kinondena ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang direktiba ng Land Transportation Office (LTO)-Region 7 na hulihin ang mga motorsiklong walang plaka o gumagamit ng improvised plate simula Setyembre 1, na iniurong na ng ahensiya at itinakdang magsimula sa Disyembre 31 ngayong taon.

Bilang tugon, naglabas ng panibagong guidelines ang LTO, sa ilalim ng pinakahuling memorandum mula kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, na may petsang Agosto 27, at isinasaad na “non-issuance of citation ticket unless cited for other violations.”

Sa ilalim ng memorandum, lalagdaan lamang ng kinauukulang opisina ng LTO ang awtorisasyon na gumamit ng mga improvised plates kung saan naproseso ang kahilingan sa duplicate plate, at hindi na kakailanganin pa ang pirma ng Assistant Secretary.

Nakasaad din sa memo na maaari lamang gumamit ang lahat ng four-wheeled motor vehicles ng pansamantalang plaka sa loob ng 15 araw mula sa issuance ng sales invoice nito, at dapat makita sa temporary plate nito ang assigned conduction sticker number.

Ikinatuwa naman ito ni Senator Tol, at nanindigan na dapat munang tutukan ng LTO ang mga nakatenggang siyam na milyong plaka nito.

#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#LTO
#TheBigNews