Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang 2025 budget ng Department of Education (DepE
Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang 2025 budget ng Department of Education (DepEd) ngayong Lunes, Setyembre 2, ibinunyag ni Secretary Sonny Angara na mayroong halos dalawang milyong iba’t ibang gamit ng kagawaran, gaya ng mga libro, laptop computers, muwebles, at iba pang gamit ang hindi naipamahagi sa mga public schools sa bansa sa nakalipas na apat na taon.
Ayon kay Angara, kinailangan nilang makipag-ugnayan sa militar, partikular sa Philippine Air Force (PAF), at sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang makatulong sa mabilisang pag-aalis ng nasabing mga gamit mula sa mga bodega.
Tiniyak ng kalihim na kukumpletuhin nila ang paglalabas ng lahat ng gamit ng DepEd sa mga bodega hanggang sa matapos ang kasalukuyang buwan ng Setyembre.
Mahigit isang buwan pa lang na pinamumunuan ni Angara ang DepEd, kapalit ni Vice President Sara Duterte, na nagsilbing kalihim ng kagawaran simula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 19, 2024.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#SonnyAngara
#DepEd
#WannaFactPH