AJ Raval shows sweet photos with boyfriend Aljur Abrenica

Going strong ang relasyon ng magkasintahang AJ Raval at Aljur Abrenica.

Ngayong Linggo, September 1, 2024, ipinakita ni AJ ang ilan sa mga litrato nila ni Aljur sa kanyang Instagram account.

Makikitang nakayakap si Aljur kay AJ habang pareho silang matamis ang pagkakangiti sa camera.

Aljur Abrenica and girlfriend AJ Raval

Photo/s: @ajravsss Instagram

Walang text sa caption ni AJ maliban sa heart emoji.

Ipinost ito ni AJ sa gitna ng usap-usapan tungkol sa batang babaeng nakitang kasama nila ni Aljur Abrenica.

May mga nagsasabing anak umano ito ni AJ.

Noong August 27, mariing pinabulaanan ito ni AJ sa panayam sa kanya ni Julius Babao.

May hiwalay ding panayam si Julius kay Aljur, na nagsabing wala silang anak ni AJ.

Maging ang ama ni AJ na si Jeric Raval ay nanindigang hindi anak ni AJ ang batang babae na namataang kasama ng aktres at ni Aljur.

Ani Jeric, ang anak niyang si Ace ang ama ng bata.

Ipinaliwanag din ni Jeric na huminto na raw sa pag-aartista si AJ kaya ito matagal na di aktibo sa showbiz.

August 2023 nang unang inamin ni AJ na magkasintahan sila ni Aljur. June 2022 daw nang opisyal na maging sila.

AJ RAVAL-ALJUR ABRENICA relationship timeline

May 2021 nang magsimula ang shooting ng Nerisa, at nag-stream ito sa Vivamax noong July 30, 2021.

Bida sa pelikula si Cindy Miranda, at kasama sa cast sina Aljur, AJ, at Sean de Guzman.

Noong panahong iyon ay “kuya” pa raw ang tawag ni AJ kay Aljur.

Boyfriend pa noon ni AJ ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.

August 20, 2021 nang ihayag ni AJ sa isang mediacon na nakipaghiwalay siya kay Axel dahil hindi raw maintindihan ni Axel ang sexy image ni AJ sa pelikula.

Huling mga araw ng September 2021, umugong ang usap-usapang nauugnay si AJ kay Aljur.

October 5, 2021 nang kumpirmahin ni AJ sa PEP Live na nanliligaw nga sa kanya ang aktor.

Nang kumalat sa social media ang mga litrato nila na magka-holding hands habang namamasyal, maraming netizens ang naniniwalang magkarelasyon na ang dalawa.

Dineny iyon nina Aljur at AJ noon.