NAKATIKIM KASI KAY SEN. TOLENTINO?

NAKATIKIM KASI KAY SEN. TOLENTINO?

Sa halip na ipatupad simula ngayong Linggo, Setyembre 1, ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Atty. Vigor Mendoza II na palawigin ang deadline laban sa improvised at temporary vehicle plates sa Disyembre 31, 2024.

Subalit aniya, hindi dapat ito maging excuse para sa mga may-ari ng sasakyang naisyuhan na ng plaka na gumamit pa rin improvised at temporary license plates.

‘We ask the motorists to claim and install their respective license plates as soon as they are available either in the car dealerships and replacement plates in our offices,” sabi ni Mendoza.

Una nang naglabas ang LTO ng isang memorandum circular laban sa paggamit ng improvised at temporary plates base sa report na marami pa ring may-ari ng rehistradong sasakyan, lalo na ang mga bagong bili pa lamang, ang hindi kinukuha ang kanilang license plate mula sa mga dealerships.

Subalit agad naman binuweltahan ni Sen. Francis Tolentino ang LTO laban sa naturang memorandum. “Anong kasalanan nila [mga motorcyle riders]? Kalokohan na yung directive na yun,” saad pa ni Senator Tol.

Aminado naman si Mendoza na tanging ang nakararanas pa rin ng backlog sa license plate ay mga motorsiklo na karaniwang pinagiinitan sa checkpoint.

#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#TemporaryPlate
#LTOPhilippines