Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nasintensiyahan ng pagkakulong nitong linggo ang
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nasintensiyahan ng pagkakulong nitong linggo ang suspek na si Alfred Ruf mula sa Indiana pagkatapos hatulan ng “guilty” verdict sa kasong aggravated battery.
Nakaranas ang kaniyang asawang si Lisa Bishop, 51-taong gulang, ng “unexplained headaches, drowsiness, diarrhea, and more” noong 2021 at kalaunan ay nagsumbong sa pulisya na tinangka siyang lasunin ni Alfred.
Nagsimula ang pagsisiyasat sa kaso noong sumunod na taon, kung saan nagpositibo si Lisa para sa mga droga tulad ng MDMA o ecstasy at cocaine, na sinabi niyang “didn’t knowingly take.”
Sa arrest affidavit, lumabas na umamin si Alfred na naglagay ng lason sa mga inumin ni Lisa sa loob ng maraming buwan upang mapangasawa niya ang anak nitong babae.
Umamin din ang suspek na tumulong ang dalawa pang babae, kabilang ang 31-taong gulang na anak ni Alfred upang maisakatuparan ang maitim nitong plano.
Ayon kay Alfred, ang anak pa mismo ni Lisa ang nagbigay sa kanya ng lason para wakasan ang buhay ng ina.
Nakatakdang magsilbi ng apat na taon sa bilangguan si Alfred, habang limang taon din siyang nasa probasyon.
Gayunpaman, hindi pa alam kung ang anak na babae ni Lisa ay sasampahan rin ng kaso sa umano’y pagkakasangkot nito.
#PilipinasToday