Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Linggo, Setyembre 1, na
Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Linggo, Setyembre 1, na handa ang Pilipinas na ipagtanggol ang soberanya nito sa harap ng tumitinding pambuy-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng sinadyang paulit-ulit na pagbangga ng barko ng China Coast Guard (CCG) nitong Sabado, Agosto 31, sa BRP Teresa Magbanua, na ilang buwan nang nakaangkla sa Escoda Shoal.
“The Philippines remains committed to dialogue and a peaceful resolution, but we also stand ready to safeguard our sovereignty. We call for respect, and we are determined to meet any challenges that may arise,” deklara ni Romualdez. “For the Philippines, for our future, and for our sovereignty, we will stand firm.”
Ang pagbangga ng CCG sa BRP Teresa Magbanua—isa sa pinakamalalaki at pinakamodernong patrol vessels ng Pilipinas—sa Escoda (Sabina) Shoal, na nasasaklawan ng 370-kilometrong exclusive economic zone ng Pilipinas, ang ikalimang insidente ng pambu-bully ng China sa West Philippine Sea nitong Agosto.
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#WestPHSea
#duterte