Itinanghal ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang kanyang unang fashion coll

Itinanghal ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang kanyang unang fashion collection na sumasalamin umano sa puso at isipan ng Filipino-American beauty queen sa ginanap na opening night ng Bench Fashion Week,

Ayon kay R’Bonney, sinikap niyang trinabaho ang kaniyang mga collection nang higit sa dalawang buwan.

Kabilang sa mga modelo para sa collection ni R’Bonney ang iba pang mga beauty queen na sina Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024; Bea Gomez, Miss Universe 2021 Top 5 finalist; at Gazini Ganados, Miss Universe Philippines 2019.

“My heart is overflowing. I feel the love. Everyone is so excited. There’s no better place to do this than here in the Philippines. I’m so thankful to Bench; they really provided a lot, a great opportunity I couldn’t pass up,” bahagi ni R’Bonney.

Kasama rin sa Bench Fashion Week Opening Night ang iba pang mga designer gaya nina Rhett Eala at Anthony Ramirez, na nagtanghal din ang kanilang collection.

Kabilang sa mga dumalo sa event sina Hayden Kho, Vicki Belo, Tim Yap, Anton San Diego, at Arnold Vegafria.

#PilipinasToday
#bench