UNDERSPENDING, SUBSTANDARD EQUIPMENT, DIVERSION OF FUNDS, ETC. Isinisi ito ng

UNDERSPENDING, SUBSTANDARD
EQUIPMENT, DIVERSION OF FUNDS, ETC.

Isinisi ito ng state auditors sa “underutilization” ng pondo, maling paggastos sa budget, kuwestiyonableng pag-divert ng pondo sa ibang programa, paglabag sa procurement procedures, at kabiguang makuha ang itinakdang specification ng mga school equipment at delivery target mula sa mga supplier ng DepEd.

Inilabas ng COA nitong Hulyo 2024, nagbabala ang audit team na posibleng nasayang lang ang pera ng bayan kaya ito ay nag-isyu ng Notice of Disallowance laban sa mga kaduda-dudang transaction at umano’y labis na paggastos ng kagawaran habang pinamumunuan ni VP Sara.

Nakasaad din sa 2023 DepEd Performance Indicator na 12,281 bagong silid ang naitayo, o 74 porsiyento lamang mula sa itinakdang target na 16,557 new classrooms sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF) ng ahensiya.

Mula sa orihinal na planong pag-imprenta at delivery ng 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials noong 2023, nasa 1.87 milyon lamang ang naisakatuparan ng DepEd, o 22 porsiyentong accomplishment rate.

Sa usapin ng procurement at distribution ng Information and Communication Technology (ICT) packages naman, na kinabibilangan ng mga laptop na ipamamahagi sa mga guro, smart television sets para sa mga classrooms, at e-learning carts (rolling libraries with laptops), nasa 16,416 ang naisakatuparan ng DepEd mula sa target figure na 73,791, o kakarampot lang na 22 porsiyento.

Sa pagkuha ng mga bagong guro, itinalaga ng DepEd ni VP Sara ang target sa 15,365 posisyon ang dapat punan sa pagsisimula ng 2023 subalit 11,023 lamang ang na-hire na bagong teachers, o katumbas ng 72 porsiyentong accomplishment rate.

#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte