GMA Updates:

MGA BATA, NANGUNGUHA NG BASURA SA MANILA BAY PARA KUMITA NG PANGKAIN SA ARAW-ARAW.

Sa halip na lapis at papel ay styro at sagwan ang hawak ng mga batang ito upang mapunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Si “Robert” ay isa sa mga batang ito. Siyam na taong gulang pa lamang siya ngunit batak na ang kanyang katawan sa pagkuha ng basura na kanyang ibinebenta para sila ay may pangkain ng kanilang pamilya.

Abangan ang kanyang buong kuwento sa pinakabagong episode ng #KaraDocs na ‘Bata at Basura’. Mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube Channel ngayong Lunes, 5 PM.