Carmi Martin reveals getting sexual advances during her prime

Inamin ni Carmi Martin, 60, na noong dekada ’80 ay naging banta sa kanya ang sexual exploitation, tulad ng maraming artistang babae.

Dahil sa kanyang magandang katawan, sexy ang imahe ni Carmi noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Ibinunyag ng seasoned actress na may mga film producers na humingi sa kanya noon ng sexual favors kapalit ng kasikatan.

Pagbabalik-tanaw ni Carmi, naging launching movie niya ang Hot Property (1983) na idinerek ni Lino Brocka.

Nagkaroon siya roon ng mapangahas na eksena at nagkaroon din ng love scene kasama si Phillip Salvador.

Pero dahil doon, pinilit ni Carmi na tumawid sa telebisyon para makaiwas sa sexy image.

“Pinilit ko talaga na sa TV, kasi sa TV medyo may censorship,” kuwento ni Carmi sa interview ni Snooky Serna para sa YouTube channel ng huli nitong August 30, 2024.

Carmi Martin sexy
Carmi Martin had a sexy image in the 80s.

Photo/s: Snooky Serna YouTube channel

CARMI MARTIN REVEALS GETTING OFFERS FOR SEXUAL FAVORS

Diretso ring tinanong si Carmi kung na-exploit ba si Carmi noong kapanahunan niya.

Pag-amin ni Carmi, maraming beses siyang gustong paghubarin sa mga pelikula.

Sabi niya, “Parang maraming times na gustong magkaroon ako ng frontal nudity.

“Mabuti na lang meron akong makulit na kasamang boyfriend na laging may hawak na baril.

“Alam mo yung parating nagkakaroon ng mga ganoong instances, na buti na lang kontrabida [sa paghuhubad ko].”

Nasusumbatahan din daw siya noon ng kanyang pamilya dahil pinupuna sila ng mga tao dahil sa pagpapaseksi ni Carmi.

“Sa sobrang ayoko pati yung pamilya ko nasasaktan, talagang ginawa ko nga na mag-focus nga sa television.”

Inilahad din ni Carmi na hindi nalalayo ang mga pangyayari ngayon kumpara noon pagdating sa sexual exploitation sa ibang artista.

Paliwanag ng aktres, “Pero yung exploitation… like what’s happening right now na may mga, ‘O, kailangan mong maki-affair kay ganito para mabigyan ka ng [project]…”

Sinang-ayunan niya ang sinabi ni Snooky ukol pagkakaroon dati ng “sexual favors.”

Pagbubunyag ni Carmi, “Meron akong mga invitation na ganyan during that time, kasi nga ang seksi ko, e.

“And may mga producers din na talagang gustong nag-ano, nag-try na mag-take advantage sa akin, to the point na tinulak ko.

“Tinulak ko talaga at sinabi kong, ‘Hindi dahil ganito ako, na seksi or parang pina-package niyo as a sexy star, e, puwede niyo na akong i-exploit.’

“So meron ngang mga—sinabi ko nga—during the ‘80s, mas maraming babae ang parang mas nae-exploit na mabibigyan ka ng popularity if, for example, if papayag ka na magkaroon ng sexual relationship with the producers.”

Binanggit ni Snooky ang phrase na “producer’s couch.”

Hindi ipinaliwanag ni Snooky o ni Carmi kung ano ito, pero mahihinuha pagtukoy ito sa imbitasyon o sa sexual favors ng ibang film producers kapalit ng career.

Carmi Martin and Snooky Serna
Carmi: “And may mga producers din na talagang gustong nag-ano, nag-try na mag-take advantage sa akin, to the point na tinulak ko.”

Photo/s: Snooky Serna YouTube channel

Ibinahagi rin ni Carmi kung paano siya umiwas na ma-corner sa mga ganoong sitwasyon.

Kuwento niya, “Katulad kay Danny Zialcita [film director], mahilig makipagkuwentuhan hanggang umaga.

“Sumasama kami para makipagtsikahan.”

Bukod kay Zialcita, sumasama raw noon si Carmi sa mga yumaong film legends, tulad ng direktor na sina Ading Fernando at Dolphy para sa paumagahang kuwentuhang magkakasama.

“Andun kami kasama namin. Oo, paumagahan yon. Yun ang ginagawa ko.”

Giit ni Carmi, “Pero yung mga ibang nagpaparamdam, marami talaga,” pagtukoy sa mga gumagawa ng sexual advances.

Sabi pa niya, “And even nga yung… to be exploited na ‘Wala kang pera ngayon,’ parang inaano ka ng demonyo, ‘Wala kang pera ngayon, maghubad ka na,’ ganon-ganon…”

Sabi ni Carmi na naging breadwinner noon, “Maganda nga rin na meron kang pamilya na nagba-back up sa ‘yo, support system na hindi mo kailangan gawin ito para pakainin kami.”