Pilipinas today:

‘WAG MONG PAPATAKASIN HA!

Nakiisa si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes, Agosto 30, sa mga nananawagan para sa boluntaryong pagsuko ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder na si Pastor Apollo Quiboloy matapos ang isang linggong pinaigting na operasyon ng pulisya para hanapin siya sa 30-hectare KOJC compound sa Davao City.

Hinahanap si Quiboloy at limang kasama nito ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos kaugnay ng mga kasong sex trafficking ng mga bata, sex trafficking sa pamamagitan ng puwersa, pandaraya, pagsasabwatan, at malakihang pag-smuggle ng pera, pati na rin ang iba pang mga kaso ng child at sexual abuse, at qualified human trafficking sa mga korte sa Pilipinas.

#PilipinasToday
#BatoDelaRosa