Latest Trends:

‘TAKE NOTE, HINDI SIYA ‘YUNG PARANG BILLBOARD NA TARPAULIN LANG’

Online personality na si Diwata, hindi makapaniwalang may billboard na siya sa EDSA.

Sa isang video, sinabi niyang na-touch umano siya nang makita ang naturang billboard. Hindi raw niya akalain na nakikipagsabayan ito sa mga naglalakihang billboard sa lugar.

“Nakaka-touch. Nakakaiyak. Kasi ‘di ba hindi ko akalain na malalagay din tayo dito sa EDSA na kung saan makipagsabayan tayo sa mga naglalakihang billboard dito. At take note guys, hindi siya ‘yung parang billboard na tarpaulin lang.”