Diwata, pinasilip ang kanyang bonggang birthday party

– Nagpasalamat si Diwata sa mga taong sumuporta sa kanya at naging daan upang maidaos ang kanyang bonggang birthday party

– Aminado si Diwata na first time daw niya ito na magdiwang ng kaarawan at sa isang mamahaling venue pa

– Sa isang live video sa Facebook ay pinasilip ni Diwata ang kanyang kasuotan na ayon sa kanya ay binili niya para sa espesyal na okasyon

– Idinaos ang kanyang kaarawan sa Fernwood Garden Tagaytay sa tulong na rin ng kanyang sponsors

Isang masayang selebrasyon ang idinaos ni Diwata para sa kanyang kaarawan na ginanap sa prestihiyosong Fernwood Garden Tagaytay. Sa kanyang live video sa Facebook, ibinahagi ni Diwata ang kanyang excitement at pagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya at naging daan upang maisakatuparan ang kanyang unang bonggang birthday party.

Diwata, pinasilip ang kanyang bonggang birthday party
Diwata, pinasilip ang kanyang bonggang birthday party
Source: Facebook

Aminado si Diwata na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magdiwang siya ng kaarawan, at sa isang mamahaling venue pa. Ipinakita rin niya sa kanyang mga followers ang kanyang espesyal na kasuotan na personal niyang binili para sa okasyon.

Read also

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Nagpasalamat din si Diwata sa kanyang mga sponsors na tumulong upang maisakatuparan ang kanyang pangarap na selebrasyon. Bumuhos naman ang mga pagbati para kay Diwata.

Ang selebrasyon ay puno ng kasiyahan at pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta, na naging dahilan para maging espesyal at hindi malilimutan ang kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!