Latest Showbiz News:

Dedikasyon sa Pagtatapos ng Pag-aaral ang ibinahagi ni Ejay Falcon!

Congrats!

Ayon kay Ejay,

“Noong ako ay huminto sa pag-aaral para magtrabaho, hininto ko na rin ang pangarap na magsuot ng toga, umakyat ng entablado, at kunin ang aking diploma sa kolehiyo. Tinanggap ko na lang na may iba ng plano para sa akin ang Panginoon. Ngunit simula ng ako ay maglingkod sa bayan, muling napukaw ang pangarap na ito at ang hangarin na pagbutihin ang sarili hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa mga kapwa ko Mindoreno na nagtiwala sa akin. Utang ko sa kanila ito at ang magsilbing mabuting ehemplo lalo na sa mga kabataan sa aming probinsya na tulad ko ay nangangarap.
Kaya handog ko ang diplomang ito sa inyo at sa lahat ng taong nagmamahal at bukal na naniniwala sa akin, Mga Kababayan KAYO PO ANG INSPIRASYON KO🙏
Salamat sa aking asawa na si Jana, at sa aking pamilya sa suporta.
Salamat po Sir Ederson Tapia (Vice President for Academic Affairs), dean Sonia Pimentel (Dean of College of Governance and Public Policy) at sir Richard Villanueva ng UMak sa paggabay.
Ngayon taas noo kong masasabi na ako po si Ejay Falcon, nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration mula sa University of Makati, Batch 2024

FB Ejay Falcon