Sandro Muhlach files cyberlibel complaints vs three netizens

Nagsadya ang 23-year old actor na si Sandro Muhlach sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes, Agosto 30, 2024.

Pormal siyang naghain ng reklamo laban sa tatlong anonymous X at Facebook users na nagkakalat ng mga paninira at kasinungalingan tungkol sa kanya kaugnay ng sexual harassment complaint na kanyang isinampa laban kina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Mahigit sa isandaang post mula sa iba’t ibang social media platform ang mga ebidensiyang ibinigay ni Sandro sa NBI bilang pruweba na biktima siya ng online bullying dahil sa kontrobersyal na isyu na kanyang kinasasangkutan.

Ang mga ebidensiyang ito ang gagamitin ng NBI Cybercrime Division sa pagtunton at pagkilala sa mga katauhan ng mga gumagamit ng dummy o anonymous account para siraan si Sandro.

SANDRO’S GRANDFATHER APPEALS TO THE PUBLIC

Dumaranas pa rin ng depresyon si Sandro kaya umapela sa publiko ang kanyang lolo, si Alexander Muhlach, ang ama ng tatay niya na si Niño Muhlach, sa pamamagitan ng isang pahayag.

Mensahe ni Alex: “Sandro has been struggling with significant challenges, such as anxiety, insomnia and loss of appetite. This has taken a toll on his physical and mental well-being.

“We kindly ask everyone to respect Sandro’s privacy during this difficult time. The online harassment and bullying he has been subjected to are only worsening his condition.

“Sandro needs our compassion and support as he works towards recovery. We appreciate your understanding and respect for his journey towards healing.”