100 Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) beneficiaries nagsipagtapos ngayong araw

CAUAYAN CITY- Nagtapos ngayong araw ang nasa 100 beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Mula sa 1,823 kabuuang benepisyaryo , 413 mula rito ang nakapagtapos na habang 100 households at sampo (10) ang college graduates ang dumalo sa ceremonial graduation.

Nakatanggap ng tig 10,000 pesos cash ang mga 4Ps graduates na maaari nilang magamit para sa kanilang bagong simula.

Ipinangako naman ni Mayor Joelle Mathea Panganiban na kung mapapalago nila ang puhunang ibinigay sa mga 4Ps exited ay handa pa muling magbigay ng karagdagang tulong ang kanilang tanggapan.

Aniya, ang mga exited o graduates ay ang mga natulungan na at nakitaang may pagbabago sa buhay.

Dahil dito magbubukas muli ang programa para sa iba pang mga kababayan na kapos palad.