Bimby is straight, according to close friend of Kris Aquino

Walang dudang straight si Bimby Aquino, ang anak ni Kris Aquino sa estranged husband nitong si James Yap.

Ito ang deklarasyon ng malapit na kaibigan ni Kris at entertainement editor na si Dindo Balares sa Instagram noong August 23, 2024.

Ito ay matapos lumabas sa Facebook ang ilang larawan ng isang gay couple, na ang isa ay kamukha umano ni Bimby.

bimby aquino is STRAIGHT, DECLARES DINDO BALARES

Sa Instagram, binigyang diin ni Dindo na walang halong kasinungalingang straight si Bimby, na 17 years old na ngayon.

Hindi raw si Bimby ang nasa kumakalat na mga larawan.

Pahayag niya (publsihed as is): “Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa akin (kahit madaling araw) kung si Bimby raw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news.

“Imagine, kung pati journalists nga nagdadalawang-isip at halos mapaniwala na ng fake news, e, di lalo na ang publiko.

“Sa comment threads, as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi.

“Sa photos — na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple — parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media.

“Pero hindi si Bimb ‘yan. Napakarami kong kaibigang gays at madalas silang magkuwentuhan kung tunay na lalaki o closet queen ang isang mhinchung. (Anlumang word! Hahahaha! Sor na agad, mga kafatid! Hahahaha)”

Engaged couple pictures goes viral

Ayon kay Dindo, noong baguhan pa lamang siya sa showbiz ay naranasan din niyang “ma-scrutinize muna ng mga batikan at beteranong showbiz writers kung straight ba talaga ako o ateng din.”

At sa tagal na raw niya sa entertainment beat, natuto na rin siya kung paano “umamoy ng closet queen.”

At ayon sa pagsusuri ni Dindo, “Straight si Bim.”

Dindo post about Bimby

Dindo post about Bimby
Dindo post about Bimby

Photo/s: Courtesy: Instagram

DINDO ON WITNESSING BIMBY GROWING UP

Sa isa pang post ni Dindo, inilahad niyang lumaki sa kanyang mga mata si Bimby kapag dinadalaw niya ang ina nitong si Kris sa showbiz events at maging sa special occasions sa buhay ng TV host.

Noong bata pa raw si Bimby ay may isa itong paboritong laruan—ang paper airplanes.

Lahad ni Dindo (published as is), “Lumaki si Bimby na palagi kong nakikita tuwing dumadalaw ako kay Kris Aquino — sa bahay nila, sa ABS-CBN, sa press conferences, maging sa mga negosyo nila, at sa family affairs.

“Paper airplanes ang unang laruan na nakita kong pinagkakaabalahan niya. Malit pa siya noon, nasa 3 to 4 years old, sa studio ng Showbiz News Ngayon nina Kris at Boy Abunda.

“Marami siyang ibang toys, nakita kong iniwan sa dressing room, pero mas gusto o paborito niya ang paper airplanes. Highly efficient na panglibang at pag-agaw ng atensiyon habang busy sa live telecast ang kanyang Mama Kris.

“Mas mainam na rin, kasi walang ingay sa studio kaysa robots at miniature cars. Si Yaya Gerbel ang tagagawa, at paliliparin ni Bimb na frustrated ‘pag bumabagsak din agad. Lumapit sa akin para ipaayos.

“Nang mag-glide at lumipad papunta sa malayo (muntik makarating sa set nina Krisy at Boy!), nanlaki ang mga matang tumingin sa akin, tumawa, at bumalik-balik na sa akin para magpagawa ng marami.”

Noon pa man daw ay naramdaman na ni Dindo na “magiging barkada” sila ni Bimby kapag lumaki na ito.

At nagkatotoo raw ito.

“Nasabi ko sa sarili ko, magiging barkada kami ng batang ito.

“Nagkatotoo, simula noong wala pang malay hanggang ngayong binatilyo na. Minsan, nagkakaroon kami ng bonding kahit wala ang kanyang Mama Kris, tulad noong nasa ibang bansa ito kaya ipinagbilin na samahan sila ni Kuya Josh sa awarding rites para tanggapin ang Lifetime Achievement Award na iginawad ng Philippine Movie Press Club.”

Alam daw ni Dindo kung paano tumingin ang straight na mga lalaki sa “attractive girls.” Kaya malakas ang loob ni Dindo na patotohanang tunay na lalaki si Bimby.

Saad niya, “Alam ko kung paano tumingin ang lalaki sa attractive girls. Nakikita ko ito kay Bimb. Kaya malakas ang loob kong sabihin na straight siya.”

Pinuri rin ni Dindo ang pag-aasikaso ni Bimby sa kanyang kuya na si Josh, at maging ang pakikitungo nito sa ibang mga tao.

“Nang umuwi siya galing US last July, agad kumontak, gustong makipagkita. With Wifey, pinuntahan namin sila ni Kuya Josh sa bahay ng mga Aquino sa Times Street.

“Nakakatuwang pagmasdan ang magaan na samahan ng magkapatid, kung paano asikasuhin ni Bimb ang kuya niya. Natutupad ni Kris ang kanyang gustong mangyari, maging guardian si Bimb ni Kuya Josh.

“May flair si Bimb sa pakikitungo sa kapwa. Sincere, natural, genuine, at elegante ang pakikipagkaibigan niya. Nasubaybayan naman sa social media ang happy posts ng iba’t ibang tao na dinalaw nila ni Kuya nang umuwi siya.”

Dindo Balares second post on Bimby Aquino
Dindo Balares second post on Bimby Aquino

Binalikan din ni Dindo ang pagkikita nila ni Bimby nang makauwi na ito galing sa Amerika. Kasama ng entertainment editor nang dumalaw siya kay Bimby.

Updated daw si Bimby sa mga kaganapan sa buhay ni Dindo.

Lahad niya: “Ang pabirong bati agad niya sa amin ni Wifey, ‘Baka gusto ninyong makita ang abs ko!’ sabay malakas na tawa. Nagbubuhat na pala siya, kaya bato-bato na ang katawan ngayon.

“Kung paano mag-estima at mangumusta si Kris, ganoon din si Bimb. Very warm at intelihenteng makipag-usap. Genuine na gustong malaman kung ano ang updates sa pagbabalik ko sa agriculture.

“Alam ni Bimby ang activities ko sa labas ng entertainment industry. Nakikita niya ang mga ipinapadala kong pictures na kuha sa pagtatanim. Nababasa niya ang mga palitan namin ng messages ni Krisy.”

Ngayon daw ay target shooting ang kinahihiligang sports ni Bimby, at nagtanong din daw ito kung maganda sa personal ang isang newcomer.

“Kung minsan, nakikisagot at nakikitawa sa funny exchanges. Ngayong binatilyo na, target shooting ang isa sa kanyang sports. Alam nating lahat, hilig na namana niya sa kanyang Tito Noy (PNoy).

“Palagay ko lang, may namana rin pati sa aesthetic sense. Itinanong niya sa akin ang isang newcomer sa showbiz kung nakita ko na raw at kung maganda in person. Oo, napakaganda, matalino rin, at bubbly.

“Pero huwag ninyo akong pilitin na i-reveal at baka masabi ko. Remember, Mama Kris na mismo ni Bimb ang nagsabi, na, “Kung minsan daldal ka rin, Kuya Dindo.”

Dindo Balares talks about Bimby Aquino

BIMBY: “I’M STRAIGHT AS AN ARROW.”

Sa bisperas ng 14th birthday ni Bimby noong April 19, 2021, nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mag-inang sina Kris at Bimby tungkol sa gender at sa iba pang mga isyung ibinabato ng netizens kanila.

In-upload ni Kris ang video ng kanilang pag-uusap sa Facebook noong April 23, 2021.

Diretsong sabi ni Bimby, “I’ll set the record straight. I’m straight. I like women. I don’t like boys.”

Nang tanungin ni Kris ang anak kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing nagkokomento ang netizens tungkol sa kanyang sexual orientation, sagot ni Bimby, “Wala, I don’t feel anything.”

Patuloy na paliwanag nito, “I just feel, like, ‘Sige, if you think I’m gay, all right, dude. But you do realize na that gay community sa Philippines is a strong community.

“And you do realize na I’m 13 [years old]. I’m 14 in a few minutes.”

“So parang, like, it did not go through my mind, like, ’cause I know what I am. I’m straight. I’m straight as an arrow.”

Diretsong tanong naman ni Kris: “Sagutin natin once and for all, have you questioned yourself about that?”

Mabilis na sagot ni Bimby, “No, not at all…”

Dagdag na tanong ni Kris, “So you like girls?”

Tugon ni Bimby, “I love girls.”

Para sa bunsong anak ni Kris, walang kaso sa kanya kung tingin ng ibang tao ay gay siya lalo’t alam nito ang tunay niyang pagkatao.

Pero ayaw niya yung komento na may halong pangungutya sa gays.

Dagdag nito, “Ako lang ha, they’re entitled to their own opinion on what they think about me just as long as you don’t, like, attack me.

“Like if you say, ‘I think he’s gay,’ I’ll respect that. I’ll say, ‘No, I’m not gay.’ But if you say, ‘Uy, beki si Bimb, kadiri,’ that’s wrong.

“As long as you debate with someone at may respeto ka sa tao, okay lang, sure. If you have different opinions, okay lang iyan, sure.”

Buo naman ang suportang ibibigay ni Kris sa kanyang bunsong anak anuman ang piliin nitong landas.

Saad ni Kris, “I wanna bring this out also. Whatever you are I’ll accept…

“I really don’t care, honestly. And, you know, parang whatever you choose to be, it will be fine with me for as long as you excel.

“If you’re gonna be gay or whatever you’re gonna be, you better be the best at the profession you choose to be.

“That’s just my feeling. And I am so anti-homophobia.”

Nasa Amerika pa rin sina Bimby at Joshua ngayon para samahan ang inang si Kris, na patuloy pa ring nagpapagamot sa kanyang iba’t ibang karamdaman.