Sa isang homecoming ceremony sa People’s Center, pinuri ni Tingog party-list Rep

Sa isang homecoming ceremony sa People’s Center, pinuri ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez si Aira Villegas sa pagbibigay ng karangalan sa Tacloban City at Eastern Visayas, na nagsilbing inspirasyon sa bagong henerasyon ng atleta mula sa rehiyon.

Sinamahan ni Rep. Yedda si Villegas at ang pamilya ni Aira upang basbasan ang kanilang bagong tahanan, na nagmamarka ng simula ng bagong kabanata sa makulay na buhay ng Pinoy Olympian.

Bukod dito, ginawaran din ang lahat ng atleta, kasama ang kanilang mga magulang at coach mula sa Eastern Visayas na lumahok sa 2024 Palarong Pambansa ng monetary allowance na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa mula sa programang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ibinigay din ang mga karagdagang insentibo mula kay Rep. Yedda at personal na pondo ni Speaker Martin sa mga medalist mula sa rehiyon: 26 bronze medalists na nakatanggap ng P7,000 bawat isa, 15 silver medalists na tumanggap ng P8,000 at 20 gold medalists na nakatanggap ng P10,000.

#PilipinasToday
#AiraVillegas
#WannaFactPH