Pinagaaralan ng Civil Service Commission (CSC) ang posibleng pagbibigay ng menta

Pinagaaralan ng Civil Service Commission (CSC) ang posibleng pagbibigay ng mental health leave bilang benepisyo para sa mga empleyado ng gobyerno.

“It’s one of the possible leaves that we are exploring over and above the different leaves that government workers can avail themselves of,” sabi ni Nograles.

Ang sick leave ay maaaring magamit sa kasalukuyan, dagdag ni Nograles ngunit sabi niya: “but what we are trying to do right now is come up with [mental health leave]… in addition to, over and above, sick leave.”

Sa pagpupulong din sa komite ng Kamara noong Martes, sinabi ni Nograles na ang CSC, noong 2020, ay naglabas ng mental health program guidelines para sa pampublikong sektor sa pamamagitan ng Memorandum Circular 4.

“So this is something that we continue to advocate for and teach in the different government agencies,” sabi niya.

#PilipinasToday
#MentalHealth
#CSC