Kapamilya Updates:

MERALCO, WAGI SA 2024 CLOUDERA DATA IMPACT AWARD

Ang Manila Electric Company (Meralco) ay tinanghal na nagwagi ng Cloudera 2024 Data Impact Award para sa Leadership at Transformation, na kinikilala ang kanilang tagumpay sa digital transformation gamit ang data analytics.

Napili ang Meralco mula sa higit sa 50 kalahok sa Asia Pacific, kabilang ang mga kalahok sa banking at telecommunications.

Ang Meralco Data Platform (MDP) ang sentro ng kanilang estratehiya, na nagpapabuti sa customer satisfaction at operational efficiency sa tulong ng “advanced solutions” ng Cloudera.

Kabilang sa kanilang proyekto ang Service Application Dashboard, na nagpapabilis ng energization ng 19% ng kanilang mga kostumer, at ang Distribution Transformer Predictive Analytics, na nakakaiwas sa outages para sa kalahating milyong kabahayan.

Ang pakikipagtulungan nila sa Kayana Solutions (DigiCo) sa pagbuo ng Machine Learning Model ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa “personalized” na serbisyo sa customer.