Kate Valdez admits real score with Fumiya Sankai

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng Kapuso actress na si Kate Valdez matapos ang sweet sightings nila ng Japanese vlogger at former PBB housemate na si Fumiya Sankai.

Noong August 24, 2024, kumalat ang larawan nina Kate at Fumiya na magkasamang namamasyal sa Hong Kong Disneyland.

Nagkataon ding birthday week ni Kate na nagdiwang ng kanyang ika-24 kaarawan noong August 21.

KATE VALDEZ ON FUMIYA SANKAI

Sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras na umere sa GMA-7 nitong Martes ng gabi, August 28, nagkuwento si Kate tungkol sa kanyang Hong Kong trip para sa kanyang kaarawan.

Kate Valdez, Fumiya Sankai in Hong Kong Disneyland

Photo/s: Courtesy: Instagram

Ayon dito, regalo sa kanya ni Fumiya ang nasabing Disneyland trip.

Saad ng Shining Inheritance actress, “Actually, yung trip na yun, it was a gift for me from him. Gusto niyang i-spend yung special day ko with me.

“So, tinanong niya ako kung ano yung gusto ko. And then I told him na, ‘Parang gusto kong ma-experience yung Disneyland.'”

Pinuri rin ni Kate ang kabaitan ni Fumiya.

“Very at peace” daw siya kasama ito.

Aniya, “Sobra po, parang I’m very at peace when I’m with him.

“And I’m very… I feel, like, parang kahit na may problema, he’s there always talaga.”

Dating na ba sila?

Sagot ni Kate, “Ano, Tito Lhar, sobrang happy kami sa isa’t isa, sa presence ng isa’t isa.”

“Are you in love?” diretsong tanong ni Lhar.

Nakangiting sagot ni Kate, “Yes, yes, sobra. And I’m happy, and I’m grateful for him.”

Paano ba sila nagkakilala ni Fumiya?

Ayon sa aktres, nagkakilala sila sa pamamagitan ng ilang common friends.

Lahad niya, “Sa mga friends, ganyan. Tapos attending sa event. Kasi now, he’s an artist na.

“He’s making songs, music, ganyan, so um-attend ako, and then I met him. And then, yun, tuluy-tuloy na po.”

Napanood si Kate sa mga teleserye ng GMA-7 na Encantadia, Onanay, at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Mapapanood din siya sa upcoming Philippine remake ng hit K-drama na Shining Inheritance, kasama sina Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Coney Reyes.

Dating nakarelasyon ni Kate ang aktor na si Yasser Marta. Pero naghiwalay sila noong 2023.

Samantala, si Fumiya ay produkto ng Pinoy Big Brother: Otso taong 2019.