Latest Showbiz News:

Arnold Clavio inalala ang death anniversary ni Mike Enriquez.

“EHEM! Ngayong araw ay isang taon na nang iwan tayo ni Ama , Mike Enriquez .

Hanggang ngayon , nararamdaman ko pa rin ang pangungulila sa kanyang pagkawala. Iniisip ko na lang ay nasa ospital lang siya o kaya ay nagbabakasyon kasama si Tita Babes .

Ama , salamat sa paggabay at patuloy na pagbabantay sa akin . Lalo na sa panahon na nalagay din ako sa panganib , ikaw ang una kong naisip . Maraming salamat sa lahat .

Salamat kay @jacobshltr27 sa pagbahagi ng video na ito kung saan ipinakilala ako ni Sir Mike at Vicky Morales bilang bagong anchor ng Saksi , 20 taon na ang nakararaan .

Ang kanyang tinig at istilo nang pagbabalita ay mananatili sa isip at puso ng marami sa matagal na panahon .

Ama , rest in peace . 🙏❤️

IG akosiigan