Kyline Alcantara refuses to reveal real score with Kobe Paras

Tumanggi ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na sagutin ang tanong kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ng basketbolistang si Kobe Paras.

Giit ng aktres, karapatan niyang tumangging sumagot at magpaliwanag sa publiko pagdating sa kanyang love life.

Ito ay matapos mag-viral recently ang “kandong” video ng rumored couple.

Sa ipinost na video sa TikTok, makikitang nasa isang kasiyahan sina Kyline at Kobe. Nagbi-videoke si Kobe habang nakakandong sa kanya si Kyline.

Bakas ang sweetness ng dalawa. Sa isang punto ay hinalikan pa ni Kobe ang balikat ng aktres habang nakakandong ito sa kanya.

Pero si Kyline, ayaw magsalita tungkol kung ano ang real score sa kanila ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

KYLINE ALCANTARA REFUSES TO ANSWER

“I feel like it’s my right to not answer or to answer questions… to deny nor confirm anything,” sagot ni Kyline sa interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Giit ng Kapuso actress, “I don’t need to explain myself din naman po to other people.

“Whatever they see is that’s what they’re gonna get.”

Sapat na raw kay Kyline na ang mga mahahalagang tao sa buhay niya ang tanging nakakaalam ng estado ng kanyang love life ngayon.

Sabi niya, “As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras…

“I feel like I don’t owe the public any explanation naman po.”

Hindi ito ang unang beses na namataan sina Kyline at Kobe na may sweet moments.

May lumabas ding larawan na magka-holding hands sila habang naglalakad sa BGC.

May mga exchange din sila sa social media na may pahiwatig na may espesyal na namamagitan sa kanila.