Reklamo kaugnay sa mga Driving Schools na accredited ng LTO sa Isabela iimbestigahan na ng DOTr

CAUAYAN CITY- Hiniling ni Isabela 6th District Representative Congressman Inno Dy sa Department of Transportation na imbestigahan ang mga inirereklamong accredited driving school ng Land Transportation Office sa Isabela.

Naging malaman ang pagbubunyag ni Congressman Dy sa ang natatanggap nilang reklmao kaugnay sa sampung  Driving School at Medical Clinic na accredited ng LTO na pagmamay-ari lamang ng iisang tao.

Sa naging interpelasyon sa ginawang budget hearing ng Committee on Appropriations ay kinuwestiyon ng mambabatas  si LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II kung paanong nakalusot at nabigyan ang accreditation ang inirereklamong  Driving School na siyang namamahala sa labing isang driving schools sa buong Region 2.

Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang mga operational na driving school ay walang kaukulang permit subalit nakakuha ng accreditation.

May mga impormasyon din na tanging certificates na galing  sa RBR driving school ang tinatanggap ng LTO Region 2.

Napagalaman pa na naghain na ng pagtutol ang isang PMVIC sa Lusod ng Santigao laban sa PMVIC sa San Isidro Isabela na pagmamay-ari din ng inirereklamong driving school dahil sa paglabag at hindi pagtalima sa mga alituntunin ng LTO.

Dahil sa mga impormasyong ito ay tiniyak ni USEC. Jesus Ferdinand Orteg ang pagtutulungan ng ahensiya para masiyasat at silipin ang lahat ng mga accredited driving schoools di lamang sa Isabela kundi sa buong bansa.