Mayor Jaycee Dy ibinida ang accomplishment ng kanyang administrasyon sa ginanap na SOCA

Ibinida ni Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. ang mga programang napagtagumpayan sa panunungkulan sa lungsod ng Cauayan sa kanyang State of the City Address kahapon.

Ginanap ang SOCA ng alkalde sa Isabela Convention Center o ICON sa Brgy. Tagaran kung saan ibinida nito ang ilang programa at proyekto na pinangunahan ng pamahalaang panlungsod tulad ng Cauayan City Una Ka Dito na naghahatid ng libreng serbisyo, iba’t-ibang mga tulong para sa mga manggagawa at residente ng lungsod ng Cauayan pangunahin sa Indigent Families, mga PWDs, mga estudyante, Senior Citizens at sa agriculture sector.

Naipatayo rin sa kanyang pamumuno ang mga bagong gusali ng Bureau of Fire Protection o BFP at ang Municipal Trial Court.

Ilang mga farm-to-market roads, road reblockings, pagkakabit ng street lights din ang naayos, naipatayo at napailawan.

Iginiit ni Mayor Jaycee Dy na kanilang isinasakatuparan ang nasabing mga programa na naglalayong magbigay ng mabilis at magandang serbisyo sa mga mamamayan ng Cauayan.