Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na may mga
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na may mga senyales na nililinlang diumano ni Shiela Guo ang mga senador sa ginanap na pagdinig noong Martes nang tanungin siya sa mga detalye ng kanilang pagtakas mula sa bansa noong Hulyo.
Ayon kay Remulla, kaduda-duda ang pahayag ni Shiela Guo nang sabihin nito na sumakay sila sa isang maliit na puting bangka nang umeskapo sa Pilipinas bago lumipat sa isang mas malaking sasakyang pandagat patungo sa Malaysia.
Hindi rin naniniwala ang kalihim sa pahayag ni Shiela Guo na wala itong matandaan sa mga lugar na kanilang dinaanan nang sunduin sila sa Tarlac ng isang van bago sila sumakay ng isang maliit na bangka kasama sina Alice Guo, Wesley Guo, at Cassandra Ong.
Ayon pa sa DOJ secretary, malabong matitiis ni Alice Guo ang mahabang biyahe sakay ng isang maliit na bangka sa kanilang pagtakas dahil sanay ito sa marangyang buhay.
#PilipinasToday
#ShielaGuo