Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ngayong Miyerkules, Agosto
Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ngayong Miyerkules, Agosto 28, na dapat maghain ng petisyon ang Office of the Solicitor General (OSG) na humihiling sa lokal na korte na kilalanin ang 2016 Hague ruling na pumapabor sa Pilipinas laban sa China sa usapin ng West Philippine Sea, para maging bahagi na ito ng mga batas ng bansa.
Layunin, aniya, ng petisyon na matiyak na ang paggigiit ng soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea na inaangkin din ng China, ay hindi nakadepende sa nakaupong pangulo.
“Bakit (kailangan nito)? Upang sa gayon, ‘di na puwedeng magbago-bago pa ng posisyon sino man ang magiging pangulo ng ating bansa sa darating na panahon,” saad pa ni Escudero.
#PilipinasToday
#ChizEscudero
#WestPhilippineSea