Dam truck inararo ang 4 motorsiklo at gusali, isa sugatan

Sugatan ang isang lalaki matapos araruhin ng minamaneho nitong dam truck ang ilang mga motorsiklo maging ang isang gusali sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang tsuper ng Truck na si Allan Rivera na residente ng Cabatuan, Isabela habang ang driver naman ng nabanggang truck ay si Sacarias Darbin na residente rin ng naturang bayan.

Base sa salaysay ni Darbin, papunta na aniya siya sa Cauayan Proper nang naisipan niyang huminto saglit para umihi.

Papalabas na aniya siya sa kinalululanan niyang truck nang bumangga sa kaniyang likuran ang isang dam truck dahilan upang maitulak ang kaniyang sasakyan at sumasadsad sa isang building.

Nadamay din sa nasabing aksidente ang apat na motorsiklo na noon ay nakaparada din sa lugar.